Naglabas ng arrest order ang Quad Committee laban sa negosyanteng si Katherine Cassandra Li Ong matapos ito mahuli sa bansang Indonesia.
Dahil dito, Inatasan ng Quad Committee ang House Sgt-at-Arms na makipag ugnayan sa mga law enforcement agencies para isailalim sa kanilang kustodiya ang negosyanteng si Ong.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na si House Sgt at Arms, retired PMGen Napoleon Taas sa mga law enforcement officers para ibigay sa kanila ang kustodiya ni Ong.
Si Ong ay na cite-in-contempt ng House Committee on Public Order and Safety dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig kahit ilang beses na siyang inimbitahan.
Ang negosyanteng si Ong ay nasasangkot sa iligal na operasyon ng POGO.
Inirekemunda ng Komite na ikukulong si Ong sa House detention facility sa loob ng 30 araw.
Inilabas ang arrest order kahapon August 21,2024 na pirmado nina Rep. Robert Ace Barbers, Rep. Bienvenido Abante, Rep. Dan Fernandez, Rep. Joseph Stephen Paduano at House Secretary General Reginald Velasco.
Sa kabilang dako, nais ng Quad Committee na humarap si Ong para bigyang linaw ang ilang isyu sa POGO.