-- Advertisements --

Naglabas ng show cause order ang HOuse Quad Committee para kay Mylah Roque na misis ni dating presidential spokesperson atty. Harry Roque.

Pinagpapaliwanag ng Quad committee si Misis Roque kung bakit hindi siya dapat i-cite for contempt dahil sa paulit ulit na hindi pagsipot sa pagdinig ukol sa ilegal na operasyon ng Philippine offshore gaming operators o POGO.

Si Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano ang nagsusulong sa pag-isyu ng show cause order kay Misis Roque.

Ang nasabing mosyon ay inaprubahan agad ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na syang overall chairman ng Quad Committee

Si Mylah Roque ay ilang beses ng inimbitahan ng quad committee para makuhanan ng pahayag ukol sa paglagda nito sa lease agreement sa mga Chinese nationals na konektado sa illegal na POGO hub sa Bamban, Tarlac.

Ang nabanggit na mga Chinese nationals ay inaresto noong July sa isang bahay sa Benguet na pag-aari ng PH2 na subsidiary naman ng Biancham Holdings ng pamilya Roque.