Natukoy ng House Quad Committee na nakipagkita si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mga alumni ng Philippine National Police Academy kaugnay sa kaniyang kontrobersiyal na war on drugs.
Naganap ang pulong nuong June 28,2016 ilang araw bago siya nag assume sa pagka pangulo.
Ang nasabing pulong ay naganap sa second floor ng Department of Public Works and Highways (DPWH) building,kung saan dumalo ang mga miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Classes of 1996 at 1997, kung saan karamihan sa kanila may malaking papel sa anti-drug operations nuong siya pa ang alkalde Davao City.
Kinuwestiyon ng mga mambabatas kung ang nasabing pulong ay may mahalagang papel para isulong ang brutal na war on drugs lalo at tinalakay ang “Davao Template.”
Kinumpirma din ng isang resource person na nanduon din sa venue si Senator Christopher “Bong” Go subalit hindi ito nakilahok o sumali sa pulong.
Wala namang nag kumpirma na nanduon sa pulong si dating PNP Chief at ngayon ay Senator Bato Dela Rosa.
Kapwa kinumpirma nina retired Police Colonels Royina Garma at Edilberto Leonardo ang nasabing meeting, at ito ay isang “courtesy call” sa dating pangulong Duterte.
Inamin naman ni Garma na miyembro ng PNPA Class 1997, na mabanggit sa pulong “Davao Template” habang walang maalala si Leonardo na miyembro ng PNPA Class 1996 na nabanggit sa nasabing pulong qng controversial strategy.
Kinuwestiyon din ng Komite si Col. Hector Grijaldo Jr., miyembro ng PNPA Class 1997, na present din sa meeting subalit itinanggi na napag usapan ang “Davao Template.”
Sinisiyasat ng mega-panel ang interconnections sa pagitan ng illegal Philippine offshore gaming operators (POGO), at paglaganap ng illegal drug trade, land grabbing ng ilang Chinese nationals, at extrajudicial killings.