-- Advertisements --
Inirerekomenda ng House quad Committee na imbestigahan ang Bureau of Immigration (BI) para malaman kung sino ang tumulong para makalabas ng bansa si dating presidential spokesperson Harry Roque.
Iniimbestigahan kasi ng quad committee ang iligal drugs, Philippine offshore gambling operators (POGO) at extrajudicial killings noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing quad report ay isinumite na rin nila sa National Bureau of Investigation.
Nakasaad sa nasabing ulat na nasa United Arab Emirates (UAE) sina Roque at asawa nitong si Myla.
Giit ng quad committee na mahalaga na imbestigahan ang BI para malaman kung sino ang nasa likod ng tumulong para makatakas palabas ng bansa si Roque.