-- Advertisements --

Bumwelta si Quad Committee Chair at Surigao Del Norte Rep Robert Barbers kay Mylah Roque, ang maybahay ni dating presidential spokesman Atty Harry Roque.

Ginawa ni Barbers ang pahayag matapos siyang tawagin ni Mylah bilang ‘abusive’ o abusadong indibidwal na umaabuso umano sa kanyang immunity mula sa libel, kasunod na rin ng pag-ugnay sa kanya ng ilang miyembro ng Kamara bilang incorporator ng Lucky South 99.

Ayon kay Barbers, hindi siya abusado at hindi niya inaabuso ang kanyang immunity.

Kung may oras umano siya, manood siya sa mga pagdinig na ginawa ng komite mula sa una hanggang sa ika-anim na pagdinig, makikita umano niyang si Barbers pa ang nagsisilbing timon sa ginagawang imbestigasyon.

Nilinaw din ni Barbers na naniniwala siyang tanging ang kanyang asawa na si Atty Harry ang may koneksyon sa Lucky South 99, at hindi si Mylah.

Iginiit din ng kongesista na hindi niya kinukuwestiyon ang kalusugan ng ginang para dumalo sa pagdinig.

Samantala, binigyan-diin ng mambabatas na ang hindi pagsusumite ni Atty Harry ng kanyang mga dokumento na dati nang ipinangakong isusumite sa komite ay ang naging dahilan ng lalo pang pagtaas ng interest ng mga kongresista ukol sa kayamanan ng pamilya.

Ayon kay Barbers, nakakapagtaka ang paglobo ng dating P125,000 noong 2016 tungo sa P125 million noong 2018.