Ipinagpatuloy ng House Quad-Committee (Quad-Comm) ang imbestigasyon nito sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) controversy.
Dito ay ipinatawag si dosmissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo bilang resource person.
Sinabi ni Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers, head chairman ng Quad-Comm, na maagang nagpadala panel ng request sa Valenzuela City Regional Trial Court para payagan si Guo na humarap sa House inquiry.
Ito ang unang pagkakataon na humarap sa lupon ang sinibak na alkalde.
Naniniwala ang mga mambabatas na si Guo ay isang central figure sa isyu sa mga POGO, na iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipahinto.
Una rito, nagisa si Guo sa pagdinig ng Senado, kasama ang kapwa nito POGO personality na si Cassandra Li Ong.
Si Ong, ang sinasabing authorized representative ng Lucky South 99, na dati nang na-cite in contempt sa Kongreso dahil sa hindi pagsasabi ng buong katotohanan.
Maging si Atty. Harry Roque ay ipinatawag din, ngunit walang pahayag kung dadalo siya sa House hearing.