Nagbabala ang House of Representatives Quad Committee kay dating PCSO General Manager Royina Garma,na isa ring retiradong police lieutenant colonel na dumalo sa susunod na pagdinig ng Komite o kung hindi siya ay aarestuhin.
Ayon kay Quad Committee lead chairman Rep. Robert Ace Barbers, nag-isyu na sila ng subpoena para kay Garma para dumalo sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Komite hinggil sa mga kasong extrajudicial killings, illegal drugs, human trafficking at iba pang mga kahalintulad na krimen.
Ayon kay Barbers, nakakita ng significant evidence ang Quad Committee kaya kailangan humarap si Garma dahil sa papel nito sa isinagawang labag sa batas na operasyon nuong siya ay nasa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Davao.
Batay sa sa mga isinumiteng mga testimonya ng iilang mga testigo itinuturo ng mga ito si Garma sa extrajudicial killings partikular sa pagpatay sa tatlong Chinese nationals na sina Chu Kin Tung, Jackson Li and Wong na sinentensiyahan dahil sa kasong illegal drugs at nakakulong sa Davao Prison and Penal Farm.
“These are not isolated incidents but part of a broader pattern of abuse that we believe Garma had a direct hand in. The gravity of these allegations cannot be overstated,” pahayag ni Barbers.
Binigyang-diin ng komite na mahalaga ang pagdalo ni Garma sa susunod na pagdinig sa Martes September 3,2024.
Ayon kay Barberd mahalaga ang testimonya ni garma upang malinawan ang kaniyang pagkakasangkot sa krimen.
Sinabi ni Barbers kapag hindi dadalo sa pagdinig si Garma wala silang choice kundi maglabas ng warrant of arrest para sa kaniya.
“Refusing to testify would be a serious act of defiance against the rule of law and could be seen as an attempt to hide the truth. We have the authority and the resolve to compel her testimony, and we are prepared to use all legal means necessary to ensure her compliance,” pahayag ni Barbers.