Iminungkahi ng House Quad Committee ang Office of the Solicitor General na maghain ng forfeiture cases laban sa mga top Chinese personalities na nakabili ng lupa sa Pampanga at nanawagan ng legal na aksiyon.
Hinikayat din ng mga chairpersons ng House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, and Public Accounts sina Reps. Robert Ace Barbers, Dan Fernandez, Bienvenido “Benny” Abante Jr., at Joseph Stephen Paduano ang OSG na bilisan ang pag review at simulan na ang civil forfeiture proceedings sa pakikipag tulungan ng ibang government agencies.
Sa isang seremonya, ibinigay ng Quad Comm ang mga kritikal na dokumento sa OSG sa hangaring pangalagaan ang pambansang seguridad at itigil ang dayuhang pagsasamantala.
Inakusahan ng mga Chinese national sa paggamit ng mapanlinlang na Filipino citizenship para iligal na makakuha ng lupa at magpatakbo ng mga negosyo sa Pilipinas.
Kabilang sa mga Chinese nationals na tinukoy na nakabili ng ekta- ektaryang Lupa ay sina Aedy Tai Yang, isang Chinese national na nameke ng dokumento para maka bili ng lupa at magtayo ng iligal na negosyo.
Si Willy Ong naman ay nameke ng dokumento at si Tony Yang na kapatid ni Michael Yang na dating presidential adviser ni dating Pang. Rodrigo Duterte.
Kinumpirma naman ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ang lupa a ibinenta kay Yang ay hindi sumailalim sa required conversion process at iligal ang nagging transaksiyon.
Sa sulat ng Quad Committee kay Solicitor General Menardo Guevarra, binigyang-diin nito ang banta sa national security kaya kailangan na ng agarang aksiyon.
Sina Assistant Solicitor Generals Hermes L. Ocampo, Gilbert Medrano at Senior State Solicitor Neil Lorenzo, ang tumanggap ng mga dokumento mula sa Quad Comm leaders.
Nanawagan din ng joint committee sa OSG na makipag tulungan sa LRA, Securities and Exchange Commission (SEC), PSA, DAR, Bureau of Internal Revenue (BIR), at Department of Justice (DOJ) para sa isang malalimang imbestigasyon.