-- Advertisements --

Tuloy ang nakatakdang hearing ng House Quad Committee bukas November 27,2024.

Ayon kay Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chairperson ng Quad Committee, kanilang tututukan ang isyu ng ilegal na droga at Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Sinabi ni Barbers na hindi muna nila inimbitahan si dating Pang. Rodrigo Duterte.

Pero umaasa aniya ang Quad Committee na haharap sa hearing nila sa Davao City Rep. Paolo Duterte, at Atty. Manases Carpio, na kapwa idinadawit sa ilegal na droga.

Dagdag ni Barbers, inimbitahan nilang muli si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, kaugnay naman sa isyu ng pagkakaroon ng mga espiyang Chinese sa ating bansa.

Ang Quad Committee hearing bukas ay ika-labing dalawa nang pagdinig.

Una nang kinansela ang hearing upang makatutok ang mga kongresista sa pagtugon sa relief operations matapos ang sunod-sunod na bagyo.