-- Advertisements --

Maraming aabangan sa pagdinig ng Quad Committee ngayong araw ng Biyernes, September 27,2024, ito na ang ika-pitong pagdinig ng komite.

Sa panayam kay House Committee Chairman on Public Order and Safety at Sta Rosa, Laguna Lone District Rep. Dan Fernandez na paka-aabangan ang pagdinig ngayong araw na naka sentro sa Extra Judicial Killings, Illegal drugs, at POGO.

Ayon kay Fernandez may dalawang surprise na resource speakers ang pakaka-abangan ng lahat.

Aniya may mga bagong revelations sa pagdinig ngayong araw.

Tumanggi naman sabihin ni Fernandez ang mga resource speakers.

Dadalo sa pagdinig si ex-PCSO Chairman Royina Garma, sina Alice Guo at Cassandra Ong.

Namataan na dumating ngayong araw ang ilang dating PNP Chiefs gaya ni retired General Oscar Albayalde at Benjamin Acorda.

Naging kontrobersiyal si Acorda dahil sa umano’y ugnayan nito sa kapatid ni dating presidential adviser Michael Yang na si Tony Yang.