-- Advertisements --

DAVAO CITY – Lilipat na naman ng ibang lugar ang mga residente na apektado ng malakas na lindol sa Malalag, Davao del Sur dahil hanggang Enero 4 na lamang nitong taon ang ibinigay na palugit sa kanila dahil sa magpapatuloy na ang klase sa Lunes.

Kung maalala, nasa apat na mga paaralan sa Malalag Davao del Sur ang ginawang evacuation centers sa mga residente na lumikas dahil sa malakas na lindol kung saan karamihan sa mga ito ay nagtayo na lamang ng mga tent.

Ayon sa pamunuan ng Malalag Central elementary School, binigyan lamang sila ng DepEd ng 15 araw para maayos ang mga paaralan bago ang pagpapatuloy ng klase sa lunes, Enero 6.

Una nang napag-alaman sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) na nasa mahigit 100 na mga residente ang nananatili ngayon sa Malalag Central Elementary School kung saan karamihan sa mga ito ay nasira na ang kanilang mga bahay matapos ang sunod-sunod na lindol sa nakaraang taon.

Karamihan din sa mga residente ay takot ng bumalik sa kanilang mga bahay dahil na rin sa nararanasan na mga aftershocks.