Nakatakdang magsusumite ng panibagong data ang mga eksperto sa Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) sa loob ng linggong ito kaugnay sa mga kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang magiging batayan ng IATF sa kanilang isusumite namang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa magiging susunod na quarantine classification para sa Disyembre.
Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at karatig-lalawigan hanggang Nobyembre 30, 2020.
Nauna nang nagdesisyon ng Metro Manila mayors na nais nilang panatilihin pa rin sa FCQ status ang Metro Manila hanggang katapusan ng taon.
Mamayang gabi ay magkakaroon ng panibagong public address si Pangulong Duterte mula sa Davao City.