-- Advertisements --

Unti-unti nang niluwagan ng Australia at New Zealand ang kanilang mga paghihigpit kaugnay sa nararanasang COVID-19 pandemic.

Ayon kay New Zealand Prime Minister Jacinda Arden hindi na kailangang sasailalim pa sa quarantine simula Abril 19 ang mga residente ng New Zealand na papasok sa Australia at vice versa.

Kapwa na-contain na ng dalawang bansa ang COVID-19 outbreaks at malapit na nilang makuha ang target infection rates na zero.

Kung maalala noong buwan ng Marso ng nakaraang taon, isinara ng dalawang bansa ang kanilang borders at kapwa nagpatupad ng compulsory quarantine para sa mga returning nationals.

Ikinatuwa naman ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang hakbang ni Arden.

Tiniyak nito na pareho nilang sisiguraduhin na hindi na dadanasin at titiisin ng dalawang bansa ang kanilang naging karanasan dahil sa impact ng virus. (with report from Bombo Jane Buna)