ILOILO CITY – Sinimulan na ng mga otoridad ang pagsasagawa ng judicial inquiry hinggil sa paglobo ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Victoria sa southeast Australia.
Ayon kay Bombo International Correspondent Denmark Suede, direkta sa Australia, sa halip na bantayan ng mga security officers ang hotel na nagsisilbing quarantine facility sa Melbourne sa Victoria, nakipagtalik pa ang mga ito sa mga naka-lockdown na mga guests.
Naglaan rin ng $3-million ang Victoria sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y breaches.
Ani Suede, dahil sa pakikipagtalik ng mga security officers sa mga naka-isolate na guests, nagresulta ito ng oubreak sa nasabing estado.
Maliban dito, limang minuto lang umano na sumailalim sa training ang mga guards bago sinimulan ang kanilang trabaho.
Napag-alaman na sa loob ng ilang linggo, tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Victoria kung saan umaabot na sa 415 ang active cases.