-- Advertisements --

Positibo si Acting Socioeconomic Planning Sec. Karl Kendrick Chua na maluluwagan na ang mga quarantine restrictions pagsapit ng Marso basta makipagtulungan ang publiko at patuloy na sundin ang mga minimum health standards.

Sinabi ni Sec. Chua, hindi na kakayanin ng ekonomiya ng bansa kung babalik ulit tayo sa mas mahigpit na quarantine measures.

Ayon kay Sec. Chua, ang magiging rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) kay Pangulong Rodrigo Duterte ay ibabatay nila sa economic and health data.

Sa ngayon, partikular umano nilang binabantayan ang labor market dahil sa dami ng nawalan ng trabaho sa ipinatupad na lockdown.

Sa kabila ng matunding pagkalugmok ng ekonomiya ng bansa lalo sa 2020, kumpiyansa si Sec. Chua na gaganda ang economic performance ngayong taon at lubos na makabawi na ito sa kalagitnaan ng 2022.