Hindi na kailangan pa magdala ng qaurantine pass ang mga indibidwal na lalabas ng mga bahay kapag isinailalim na sa general community quarantine ang Metro Manila.
Ayon kay JTF Covid Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar kabilang sa mga hindi na dapat magdala ng quarantine pass ang mga frontliners, workers employed under authorized industries to operate, senior citizens at may edad na 21-anyos hanggang 59 years old na kailangan mag- avail ng kanilang mga essential goods at services.
Sinabi ni Eleazar na kapag nasa GCQ na mas marami na ang allowed lumabas.
Ang hindi maaaring lumabas ng bahay ang mga batang may edad zero hanggang 21-anyos.
Sa ngayon wala pang opisyal na pahayag mula sa gobyerno kung isasailalim na sa GCQ ang Metro Manila.
Siniguro naman ng PNP, na ipatutupad pa rin ang mga checkpoint ng PNP sa ibat ibang bahagi ng bansa kapag nasa GCQ na.
Sinabi ni Eleazar, nasa discretion na ng mga chief of police kung ililipat nila ang mga checkpoint o magpatupad na lamang ng random checkpoint sa mas matataong lugar.
Palalakasin din ng PNP HPG ang mobile checkpoint.
Hihigpitan din ng PNP ang inspeksyon sa mga establisimiyento kung nasusunod ang health protocols.
Tuloy din ang pagpapatupad ng curfew kahit nasa GCQ na ang Metro Manila.