CAPAS, Tarlac – Nakasama na ng nasa 30 overseas Filipino workers (OFW) at 19 na miyembro ng repatriated teams ang kani-kanilang pamilya matapos silang isailalim sa 14-days quarantine sa New Clark City, Capas, Tarlac.
Tila naging isang graduation ceremony umano ang isinagawang send-off ceremony para sa mga OFWs kung saan binigyan sila ng Certificate of Clean Bill of Health upang patunayan na ligtas ang mga ito sa Coronavirus infectious disease (COVID-19).
Nagbigay din ng kani-kaniyang talumpati ang bawat ahensya maging si Health Sec. Francisco Duque.
Sinabi ni Dr. Neptali Labasan ng Bureau of Quarantine na naging matagumpay ang isinagawang quartantine procedures para sa mga repatriates.
Ayon pa kay Labasan, agad na isa-sanitize ang mga kuwarto na iiwan ng mga pasyente dahil gagamitin naman ito ng ikalawang batch ng mga OFW na iq-quarantine na galing Japan.
Ilang oras bago lumabas sa Athlete’s Village ay tiniyak muna ng Bureau of Quarantine na maayos ang kalagayan ng mga lalabas na OFW.
Ayon kay Labasang, sumailalim muna ang mga ito sa final temperature check bago umalis sa pasilidad.
Bagama’t walang ubo, sipon at pananakit ng lalamunan na nararamdaman, isa-isa silang pumila at sinuri ng mga medical staff mula sa DOH.