-- Advertisements --

VIGAN CITY – Laking pasasalamat ni Agriculture Secretary William Dar dahil ngayong panahon ng COVID19 lockdown ay hindi umano lumaganap ang African Swine Fever sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Dar, nakatulong umano ang pagpapatupad ng quarantine lalo na sa Central at North Luzon para maiwasan ang ASF kahit pa man laganap pa rin ang sakit ng baboy.

Maliban diyan, naiwasan din umano ang pananamantala ng mga hog traders na nagbebenta ng apektadong baboy sa sakit sa mga ibang lalawigan.

Inaasahan ng kalihim na patuloy nang mapuksa ang nasabing sakit na nagpapahirap ngayon sa mga hog traders.