-- Advertisements --

ROXAS CITY – Mahigpit na mga quarantine protocols ang ipinatutupad sa Zambia, Africa para masiguro na hindi na tumaas pa ang bilang ng mga namatay sa bansa dahil sa coronavirus disease 2019.

Rommel Mesina 1 1
Bombo International Correspondent Rommel Mesina

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Rommel Mesina, nagtatrabaho sa isang construction site sa Zambia, Africa, sinabi nito na isinailalim sila sa 14 days quarantine at nagpadala ng mga doktor at nurses ang Ministry of Health para masuri ang kanilang kalusugan.

Kinumpirma rin ni Mesina na dahil lockdown ang kampo kung saan sila nagtatrabaho at naninirahan ay hindi sila pwedeng makalabas.

Mahigpit rin na ipinatutupad ang social distancing sa kanilang pinagtatrabahuan at kahit sa trabaho kailangan na may distansiya sila sa isat isa.

Wala na rin aniyang bumibiyaheng mga bus kasunod ng pagpapatupad ng lockdown.

Walang problema sa kanilang mga sahod, dahil mismo ang kompaniya ang nagpapadala sa kanilang pamilya ng 80% ng kanilang sweldo at 20% lamang ang natitira sa kanila.

Samantala wala namang mairereklamo si Mesina sa kanilang kompaniya dahil well provided silang mga trabahador sa kanilang pangangailangan mula pagkain hanggang kanilang tinitirhan sa loob ng kampo.

Sa ngayon ay may tatlong naitalang namatay sa COVID-19 sa bansa, 75 ang nahawaan at 35 ang naka-recover sa naturang sakit.