-- Advertisements --
Nagdagdag pa ng checkpoints ang Bureau of Animal Industry (BAI), Philippine National Police (PNP) at local government ng Rizal province para maiwasang mailabas ang mga baboy na posibleng may taglay na sakit.
Ayon kay Dr. Ronnie Domingo, OIC-Director ng BAI, tuloy-tuloy ang proseso ng testing at culling mula pa kahapon.
Matatandaang natukoy ang suspected swine disease sa tatlong barangay sa Rodriguez, Rizal na kinabibilangan ng San Isidro, San Jose at Macabud.
Sa kasalukuyan, naka-quarantine na ang tatlong barangay nakinaroroonan ng mga nagkakasakit na hayop.
Samantala, nananatili namang walang sakit ang mga baboy sa Bulacan na isa rin sa pinanggagalingan ng mga pork meat products sa ating bansa.