KALIBO, Aklan — Hihilingin umano ng lokal na pamahalaan ng Aklan sa National Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na babaan ang quarantine status sa buong lalawigan dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Aklan governor Florencio Miraflores imumungkahi nila sa kanilang pulong bukas, Oktubre 19 sa NIATF na mailagay na ang lalawigan sa modified general community quarantine (MGCQ).
Ang Aklan ay nananatiling nasa general community quarantine (GCQ) mula Oktubre 16 hanggang 31.
Sa pagpapatupad aniya ng mas instriktong MECQ noong Agosto 1 hanggang Setyembre 7, maraming negosyante at mangggagawa ang naapektuhan lalo na sa isla ng Boracay.
Sa kasalukuyan, naibaba na sa ‘low risk classification’ ang Aklan batay sa parameters ng Department of Health (DOH).
Simula Setyembre 8 hanggang Oktubre 15, ang Aklan ay nakapagtala ng 520 na bagong kaso kumpara sa 3,622 simula Agosto 1 hanggang Setyembre 7.
Maliban dito, bumaba na rin sa 1.04 percent ang ADAR (average daily attack rate) habang ang health care utilization ay nasa 1.85 percent.