Sumampa na sa 473, 471 ang mga naitalang community quaratine violators ng Joint Task Force COVID Shield sa buong bansa.
Ang nasabing bilang na ito ay mula March 17 nang magsimula ang community quarantine hanggang October 17, 2020 o nasa 215 na araw.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, 121,430 violators ang naaresto at na-inquest at ang iba ay pinalabas rin matapos sampahan ng kaso.
Nasa 173,360 community quarantine violators ang binigyan ng warning habang 178,861 naman ay pinagmulta.
Karamihan sa mga ginawang paglabag ay ang hindi pagsusuot ng facemask at walang social distancing.
Kabilang din dito ang ilang violations tulad ng pag-iinuman, pagdalo sa mga party at maging pagsusugal.
Dahil naman sa patuloy na pagdami ng mga nahuhuling lumalalabag puspusan pa rin ang paalala ng JTF COVID Shield sa publiko na sumunod sa mga quarantine protocols para hindi mahawa ng COVID-19 virus.