-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Halos puno na ng mga pasyenteng may COVID-19 ang Critical Care Unit (CCU) ng Adela Serra-Ty Memorial Medical Center (ASTMMC) ng Department of DOH sa Surigao del Sur.

Ayon kay Medical Center Chief Dr. Janice Pagaran-Alcordo, kung nitong nakalipas na linggo, iilan lang ang kanilang inaalagaan mga pasyente at may panahon pang bakante pa ang CCU, sa ngayo’y isa na lang ang bakanteng mula sa 15-bed capacity.

Habang ang COVID-19 Ward ay puno na rin ng 15 mga pasyente.

Pinaniniwalaang dahilan nito ay ang nakalipas na pag-obserba ng Semana Santa kungsaan umuwi ang mga taga-Surigao del Sur para sa kanilang family reunion.

Kaamihan umano sa mga pasyente ay mula sa timog na bahagi ng probinsiya, partikular sa 2nd District— sa Bislig City at sa bayan ng Barobo.