BUTUAN CITY – Ipinagbabawal na ang quarry operations sa buong probinsiya ng Surigao Del Norte matapos magpalabas ng Executive Order No. 02-2022 o cancellation o revocation sa lahat ng governor special permits, private at government gratious permits, ordinary earth soil permits o ibang porma ng quarrying permit sa probinsiya na nilagdaan ni Surigao Del Norte Governor Lyndon Barbers.
Layunin nito na mapreserba ang kalikasan na isa sa mga priority programs ng administrasyon.
Determinado ang gobernador na ipatupad ang tamang implementasyon ng environmental laws kungsaan kailangang isasa-ilalim sa review ang naturang mga permits.
Nakasaad din sa kautusan na tingnan ang estado ng mga ilog na binalewala na rasong delikado na ito dahil sa hindi nakuhang mga buhangin kungsaan epektibo ang nasabing kautusan nito pang Hulyo a-1 nitong taon.