-- Advertisements --
Kinansela na ni Queen Camilla ang ilang mga naka-scheduled na engagement niya dahil umano sa chest infection.
Ayon sa Buckingham Palace, na pinayuhan siya ng kaniyang doctor na magpahinga ng bahagya.
Umaasa sila na makakadalo na rin ang 77-anyos na The Queen sa Remembrance events sa weekend.
Ilan sa mga okasyon na hindi nadaluhan ni Queen Camilla ay ang pagbubukas ng Field of Remembrance sa Westminster Abbey kaya ito ay irerepresenta na lamang ni Duchess of Gloucester.
Nakabalik sa United Kingdom ang Reyna noong nakaraang linggo mula sa Australia kasama ang hari.
Bukod kasi sa Australia ay nagtungo din sila sa Samoa at nag-stopover pa sa India habang pabalik.