-- Advertisements --

Kapwa tinurukan na ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sina Queen Elizabeth at ang kanyang asawang si Philip.

“The Queen and The Duke of Edinburgh have today received COVID-19 vaccinations,” saad ng Buckingham Palace sa isang pahayag.

Kasama sa mga prayoridad ng coronavirus vaccine rollout sa Britanya ang mag-asawa, lalo na at 94-anyos na si Queen Elizabeth, habang 99-anyos na si Philip.

Ayon sa isang source, ang mga bakuna ay itinurok ng isang household doctor sa Windsor Castle.

Una rito, plano ng British government na mabakunahan ang mga matatanda, mga vilnerable, at mga frontline workers, na sinasabing papalo ng 15-milyong katao, sa kalagitnaan ng Pebrero.

Iniutos na rin ni British Prime Minister Boris Johnson ang pagpapabilis ng distribusyon ng bakuna lalo na’t kumalat sa kanilang bansa ang bago at mas nakahahawang variant ng COVID-19. (Reuters)