Pumasok na rin sa mundo ng Instagram si Queen Elizabeth.
Ang unang post nito ay larawan ng sulat mula sa 19th century inventor at mathematician Charles Babbage kay Prince Albert.
Gamit nito ang kaniyang Ipad para sa nasabing pagpost ng larawan.
Sa kaniyang matagal na panunungkulan bilang Reyna ng Britanya ay humarap na ito sa iba’t-ibang pagbabagong teknolohiya.
Siya ang unang tao na pumayag na i-video ang kaniyang coronation mula ng payagan ang mga television cameras sa Westminster Abbey noong 1953.
Una rin itong nakagamit ng “trunk call” isang uri ng long distance call sa loob ng isang bansa noong 1958.
Ipinakilala din sa kaniya ang colour television, mobile phones at internet.
Magugunitang noong nakaraang limang taon ay unang beses itong nagtext ng bumisita siya sa Science Museum.