-- Advertisements --

Balik trabaho na si Queen Elizabeth II ilang araw matapos ang libing ng kaniyang asawang si Prince Philip.

Sa larawan na ibinahagi ng Buckingham Palace na makikita ang virtual conference ni Queen Elizabeth mula sa Windsor Castle at kausap ang mga ambassador ng Ivory Coast at ambassador ng Latvia.

Nakasuot ng pale blue floral dress ito na may pearl necklace sa kasagsagan ng meetings.

Magugunitang pumanaw si Prince Philip noong Abril 9 at inilibing noong Abril 17.