-- Advertisements --

Balik na sa paninilbihan sa publiko si Queen Elizabeth II matapos ang ilang gabing pananatili nito sa pagamutan.

Ayon sa Buckingham Palace, na agad itong nagsagawa ng video calls sa mga incoming ambassadors ng South Korea at Switzerland.

May baston na rin ito na umaalalay habang naglalakad.

Huling public events nito ay noong Oktubre 19 sa Windsor Castle para sa mga global investment summit.

Magugunitang pinayuhan siya ng kaniyang doctor na mamahinga ng ilang araw kaya nakansela ang ilang mga public events nito.