-- Advertisements --

Balik trabaho na si Queen Elizabeth II ng Britanya.

Kasunod ito ng ilang linggong pamamahinga base na rin sa payo na kaniyang mga doctors dahil sa pananakit ng likod.

Ayon sa Buckingham Palace na hinarap niya si General Sir Nicholas Carter sa Windsor Castle matapos ang pagbibitiw nito bilang Chief of Defense Staff.

Nakasuot ng kumbinasyon na berde at orange na damti ang 95-anyos na monarch at ito ay nakangiti habang binati ang heneral sa Oak Room ng Windsor Castle.

Magugunitang hindi na dumalo si Queen Elizabeth II sa Remembrance Sunday service noong nakaraang linggo dahil sa pagpapahinga nito.