-- Advertisements --

Nakabalik na sa trabaho si Queen Elizabeth II matapos ang pangambang nahawaan ito ng COVID-19.

Kasunod ito ng pagpositibo sa COVID-19 ng anak nitong si Prince Charles sa ikalawang pagkakataon dalawang araw matapos na makipagkita sa 95-anyos na si Queen Elizabeth II.

Nagpositibo rin sa COVID-19 ang asawa ni Prince Charles na si Camilla, Duchess of Cornwall, matapos ang ilang araw kaya naka-isolate sila.

Hindi naman binanggit ng Buckingham Palace kung sumailalim ba sa COVID-19 test si Queen Elizabeth II.