-- Advertisements --

Dadalo si Queen Elizabeth II ng Britanya sa Remembrance Day Service sa araw ng Linggo.

Ito mismo ang kinumpirma ng Buckingham Palace na ang nasabing aktibidad ang siyang kauna-unahang paglabas nito sa publiko.

Noong nakaraang buwan kasi ay kinansela nito ang kaniyang mga public engagement dahil sa payo na rin ng kaniyang doctor.

Magugunitang ilang araw na nanatili sa pagamutan si Queen Elizabeth II dahil na rin sa payo ng doctor nito na magpahinga muna.