-- Advertisements --
Nanguna si Queen Elizabeth II sa pagtanggap sa mga world leaders na dumasalo sa United Nation climate change summit na ginanap sa Glasgow, Scotland.
Sa kaniyang video message, hinikayat ng 95-anyos na monarch ang mga lider na agad na gumawa ng hakbang para labanan ang climate change.
Mahalaga aniya na isantabi muna ang pamumulitika at unahin ang pagtugon sa paglaban sa climate change.
Binigyang pugay din nito ang namayapang asawa na si Prince Philip at sinabing noong nabubuhay pa ang asawa ay talagang malapit sa puso nito ang pag-aalaga sa kalikasan.
Hindi na personal na nakadalo si Queen Elizabeth dahil sa payo na rin ng kaniyang doctor na dapat ito ay mamamahinga matapos na sumailalim sa check-ups.