-- Advertisements --

Kinansela ni Queen Elizabeth II ang kaniyang biyahe sa Northern Ireland.

Ito ay matapos na payuhan siya ng kaniyang doctor na mamamahinga ng ilang araw.

Ayon sa Buckingham Palace na regular na nagpapatingin sa doctor ang 95 at mahigpit din nito sinusunod ang payo ng mga ito.

Dahil dito ay nadismaya si Queen Elizabeth dahil sa matagal na rin itong hindi nakakapasyal sa Northern Ireland.