-- Advertisements --
QUEEN ELIZABETH 2
Queen Elizabeth II

Nagpasya si Queen Elizabeth II na hindi na ipagdiwang ang kaniyang ika-94 na kaarawan sa darating na Abril 21.

Sinabi nito na hindi magiging tama ang magdiwang dahil sa krisis na dinaranas dulot ng coronavirus pandemic.

Ito ang kauna-unahang hindi magdiwang ang Reyna sa loob ng 68 taon na pananatili sa puwesto.

Magiging pribado naman ang mga video call at tawag ng mga miyembro ng pamilya.

Maging ang tradisyunal na parada ng mga sundalo ay kinansela na rin.

Noon nakaraang taon ay nasa 200 na kabayo, 400 musicians at 1,400 na officers ang sumali sa parada.