-- Advertisements --

Kinansela ni Queen Elizabeth II ang kaniyang nakatakdang virtual meetings dahil sa sa nakaranas ng “mild” symptoms ng COVID-19.

Ayon sa Buckingham Palace na hindi nakayanan ng Reyna ang nasabing sintomas kaya minabuti niyang huwag ng ituloy ang virtual engagements.

Tiniyak nila na patuloy ang kaniyang paggawa ng mga magagaang trabaho.

Magugunitang noong nakaraang araw ay dinapuan ng COVID-19 ang 95-anyos na si Queen Elizabeth II kung saan ito ay naka-isolate na at nagpapagaling na.