-- Advertisements --

Muli na namang kinansela sa ikalawang pagkakataon ang ilang engagement ni Queen Elizabeth II dahil sa pagpositibo nito sa COVID-19.

Ayon sa Buckingham Palace na kanilang ipinagpaliban sa ibang araw ang virtual activity ng 95-anyos na Reyna.

Patuloy aniya ang pagganap nito ng magagaan na trabaho habang nagpapagaling.

Ilan sa mga gagawin nito ay ang pagbabasa ng mga dokumento mula sa UK government ministers at Commonwealth
Representatives na ipinadala sa kaniya araw-araw.

Patuloy din aniya ang pagpapagaling ng reyna sa Windsor Castle.