-- Advertisements --
Binisita ni Queen Elizabeth II ang mga scientists ng Defence Science and Technology Laboratory sa Porton Down sa Wiltshire.
Ito ay para kumustahin ang ginagawang hakbang nila laban sa coronavirus.
Ito ang unang pagkakataon na lumabas sa royal residence si Queen Elizabeth mula ng magsimula ang pandemic.
Walang anumang suot na facemask ito maging ang kaniyang mga apo na si Prince William.
Ang mga dumalong 48 katao sa pagbisita ng reyna ay dumaan sa COVID-19 testing at nagnegatibo ang mga ito.
Huling nakita ang reyna sa publiko ay noong Marso 9 sa Westminster Abbey sa pagdiriwang ng Commonwealth Day service.