-- Advertisements --

Nagpaabot na ng pakikiramay at pakikisimpatya sa mga nasalanta ng bagyong Odette si Queen Elizabeth II.

Sa pamamagitan nii United Kingdom Ambassador to the Philippines Laure Beaufils ay ipinaratig nito ang nasabing mensahe.

Nakasaad dito na labis na nalulungkot ang Royal Family dahil sa nangyari.

Nauna ng sinabi ni Beaufils na naglaan ang gobyerno ng Britanya ng P50 milyon sa International Federation of Red Cross at Philippine Red Cross bilang pangtulong sa mga nasalanta ng bagyo.