Naihatid na sa kaniyang huling hantungan si Queen Elizabeth II.
Matapos ang committal service St. George’s Chapel ay ibinaba na ang kabaong ng pumanaw na monarch queen sa Royal Vault sa ilalim ng Windsor Castle.
Sa kasagsagan ng committal service ay tinanggal na rin nila ang crown jewels at isinagawa rin ang ceremonial na pagputol ng baston.
Matapos nito ay isa-isa ng umalis ang mga miyembro ng Royal Family sa pamumuno ni King Charles III.
Nauna rito maraming tao ang nag-abang sa gilid ng kalsada habang dumadaan ang kabaong ni Queen Elizabeth mula sa Westminster Hall patungo sa Windsor Castle.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang Royal Family sa mga sumama sa kanila sa paghatid sa huling hantungan kay Queen Elizabeth II.
Ilang oras kasi matapos ang state burial ng monarch queen ay nagsagawa naman ng private family state burial ang mga ito na dinaluhan lamang ng mga malalapit na kamag-anak ni Queen Elizabeth.
Sa statement ng royal family ay nag-post sila ng larawan ng reyna.
Dito ay pormal nilang kinumpirma na nailibing na ang labi ni Queen Elizabeth katabi ang asawang Duke of Edinburgh sa King George VI Memorial Chapel.
Katabi rin ng labi ni Queen Elizabeth ang kaniyang ama, ina at kapatid na babae.
Una rito St. George’s Chapel sa huling church service, lalong naging madamdamin ang tagpo bago maghatinggabi (PH time, afternoon BST).
Kabilang sa highlight ay ang pag-alis sa korona na nakapatong sa kabaong, sceptre at orb.
Agaw pansin naman ang nangyaring pagputol o “breaking of the wand.”
Ang ganitong kakatwang tagpo ay nakita noon pang taong 1952 sa kanyang tatay na si King George VI.
Ang pagputol sa wand o parang stick/baston ay simbolo sa pagtatapos na ng serbisyo ng monarkiya ni ng queen.
Ang pinutol na wand ay ipinatong sa itaas ng kabaong na sinundan sa pagbaba nito vault sa sahig ng simbahan.
Sa pagtatapos ng seremonyas sa chapel, sumunod dito na inawit ang national anthem ng Gran Britanya sa saliw na binagong tiktik na “God Save the King.”