VIGAN CITY – Nais umano ni Queen Elizabeth II na walang magsusuot ng military attire sa libing ni Prince Philip sa Sabado, April 17 ayon kay Bombo International Corresponent Gene Alcantara, Immigration Adviser sa London, United Kingdom.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Alcantara, ang kagustuhan ng reyna ay bilang paggalang kay Prince Harry na natanggalan ng royal duties dahil sa isyu nilang mag-asawa.
Maliban dyan, binabantayan din ang Duke of York na si Prince Andrew upang hindi na maipakita pa ito sa publiko dahil sa hindi kaaya-ayang reputasyon bunsod umano ng pagkamatay ng pedophile na kaibigan nitong si Jeffrey Epstein sa bilangguan.
Gayunman, naghahanda na ang buong United Kingdom sa libing ng prinsipe at sa kasalukuyan, may mga dumadalaw pa rin sa bangkay ng prinsipe sa Buckingham palace na nag-aalay ng mga bulaklak at laruan.