-- Advertisements --
Ibinunyag ni Queen Elizabeth II ang naging resulta sa kaniyang kalusugan matapos na madapuan ng COVID-19.
Ayon sa 95-anyos na monarch, na nakaramdam ito ng labis na pagkahapo at pagod.
Sa ginawa nitong virtual visit sa Royal London Hospital ibinahagi nito ang kaniyang naranasan.
Ayon sa Buckingham Palace na ang bakunadong si Queen Elizabeth II ay nakaranas ng hindi gaanong makapinsalang sintomas.
Dahil dito ay napilitan itong kanselahen ang mga serye ng appointments nito sa mga foreign diplomats.