-- Advertisements --

Nanawagan si Queen Elizabeth II sa mga mamamayan sa Britanya na huwag bumigay at madismaya sa nararanasang coronavirus pandemic.

Sa kaniyang mensahe sa ika-75 anibersaryo ng Victory in Europe Day, sinabi ng 94-anyos na bagamat naging kakaiba ang pagdiriwang nila ngayong taon dahil sa pandemic ay hindi pa rin dapat pasalamatan ang mga nagbuwis ng buhay noong world war II.

Pinarangalan din niya ang mga frontliners sa kanilang bansa at itinuring niya ang mga ito bilang bagong bayani.

Bagamat bakante ang maraming kalsada ay napupuno pa rin aniya ng pagmamahal sa bawat isa na nasa kanilang mga bahay.

Umabot na kasi sa mahigit 30,000 ang nasawi sa United Kingdom matapos na dapuan ng coronavirus.