-- Advertisements --
Hinikayat ni Queen Elizabeth ang mga mamamayan ng United Kingdom na magtulungan para labanan ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Sa kaniyang mensahe sinabi nito na isang nakakabahala na sitwasyon ang nangyayaring COVID-19 pandemic.
Pinuri rin ng 93-anyos na reyna ang mga scientists, medics at emergency staff dahil sa trabaho nila sa pagsuri ng mga nadapuan ng virus.
Tiniyak naman nito na handa ang kaniyang pamilya na gawin ang kanilang trabaho.
Maagang pinutol ng reyna ang kaniyang official duties dahil sa crisis at ito ay nasa Windsor Castle kasama si Duke of Edinburgh.
Lulan ng helicopter ay lumipad siya mula Sandringham estate.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 144 katao ang nagpositibo ng COVID-19 sa UK.