-- Advertisements --
Makalipas ang pitong dekada na walang humpay na serbisyo, umabot na umano sa kaniyang “turning point” si British Queen Elizabeth II matapos ang isang gabi na nadala ito sa ospital.
Pinayuhan ang 95-anyos ng kaniyang doktor na magdahan-dahan at bawasan na ang mga pakikipag-ugnayan.
Dahil dito, napilitan itong kanselahin ang kaniyang appearance sa UN climate conference na magsisimula sa Linggo.
Sinabi ng Buckingham Palace na dismayado si Queen Elizabeth “sa ginawa nitong pag-pull out” ngunit ang desisyon ay nagmula sa medical advise na kailangan niyang “magpahinga.”
Napag-alaman na mula noong 2013, sinabi ng Buckingham Palace na sumailalim sa unang pagkakataon sa “preliminary examinations” ang reyna.