-- Advertisements --
Inaprubahan ni Queen Elizabeth II ng Britanya ang hiling ni Prime Minister Boris Johnson na suspendihin ang parliamento.
Ito ay para mapigilan ang mga members of parliament na magpasa ng batas para pigilan ang no-deal Brexit sa October 31.
Ayon sa Privy council ang official body of advisers ng Queen, na suspendido ang Parliamento mula Sept. 9 hanggang 12 at September 14 hanggang Oktubre 2019.
Magbabalik ang Members of Parliament sa Oktubre 14 tatlong araw bago ang gagawing Brexit summit ng European leaders.
Layon ng pagsuspendi ni Johnson ng Parliament ay para mabawasan ang oras ng mga mambabatas na magtangkang harangin ang no-deal Brexit sa deadline nito na Oktubre 31.