-- Advertisements --

Nakatakda umanong makipagharap si Queen Elizabeth II kina US President Joe Biden at iba pang mga world leaders sa Buckingham Palace.

Batay sa ulat ng Sunday Times, mangyayari raw ito bago ang Group of Seven (G7) summit sa United Kingdom sa buwan ng Hunyo.

Kasama umano ng reyna sa pagharap sa mga world leaders ang Prince of Wales, Duchess of Cornwall maging ang Duke at Duchess of Cambridge.

Sa ngayon tikom pa ang bibig ng Buckingham ukol sa nasabing ulat.

Isasagawa ang kauna-unahang in-person summit ng G7 sa loob ng halos dalawang taon sa Cornwall sa timog-kanlurang England.

Umaasa si Prime Minister Boris Johnson na makabubuo ang pulong ng consensus para sa pagbangon ng global economy mula sa epekto ng COVID-19 pandemic. (Reuters)