-- Advertisements --

Malungkot na ibinahagi ng gitarista ng bandang Queen na si Brian May na siya nagkaroon ng minor stroke.

Sinabi nito na ang kaniyang mild stroke na naranasan noong nakaraang linggo ay nagdulot sa kaniya ng kalungkutan.

Dahil sa insidente kasi ay hirap na niyang makontrol ang kaliwang braso ganun din ay hindi na siya makapagtugtog ng gitara.

Dagdag pa nito na dumanas siya ng “health hiccup” mula ng ma-diagnosed ng “minor stroke” at sumailalim sa “blue lights flashing” sa pagamutan.

Pagtitiyak naman nito sa mga fans na babalik siya sa pagtugtog kapag tuluyan ng gumaling.

Kilala si May bilang founding member ng Queen na siya rin ang sumulat sa mga kanta nilang “We Will Rock You” at “Who Wants To Live Forever”.

Bukod sa pagiging gitarista din ng banda ay kilala siya bilang astrophysicist at animal rights activists.