-- Advertisements --

Ibinahagi ni Queen guitarist Brian May na kabilang siya sa matagumpay na pagkuha ng NASA ng asteriod sample.

Bilang isang isang astrophysicist ay miyembro siya ng OSIRIS-REx ang space craft na kumuha ng sample sa mahigit na 4.5 billyon taon na asteriod Bennu.

Labis na ipinagmamalaki ng 76-anyos na gitarista na kabilang siya sa nasabing research.

Siya ang gumawa ng stereoscopic image mula sa data ng spacecraft para malocate ng leader ng mission na si Dante Lauretta ang ligtas na lugar kung saan puwede maglanding at mangulekta ng sample.

Humingi na lamang ito ng paumanhin na hindi nakasama ng bumalik sa mundo ang spacecraft matapos ang anim na taon na misyon dahil sa abala ito sa paggawa ng mga kanta para sa kanilang concert.