-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan ang gitarista ng bandang Queen na si Brian May matapos na ito ay atakihin sa puso.

Sa kaniyang Instagram post, ibinunyag nito ang nasabing pagkakaospital niya.

Ikinuwento pa nito na muntik na niya itong ikamatay.

Base sa resulta ng pagsusuri ay may tatlong bara ang kaniyang arteries.

Nauna rito noong nakaraang mga linggo ay nasugatan niya ang kaniyang puwetan habang ito ay nasa hardin.